Monday, November 13, 2006
Monday nanaman. As usual late ako sa flag ceremony. Pero kahit papaano nakadiretso naman ako sa covered court. Habang naglalakad ako... may narinig akong boses. Kumakanta. Tapos pagtingin ko sa stage... Shocks si ARMINA pala. Nakita ko yung mga ibang tao..lalo na mga bestfriends niya... natatawa. Kasi wala daw siya sa tono. Gudluck naman. Pero okey lang yan boobsy. U did ur best. Go lang nang go! ^^ Aun. Obviously, Bec ang nag-lead ng flag ceremony. So aun. Sabihin na natin na tapos na. Bumalik na kami sa room tapos namroblema kaming magkakagrupo sa english kasi ala pa kaming presentation. Tapos biglang may nag-deklarang may Values. Sabi sa covered court yun pala sa Library. Hayy.. very very unreliabel. E di aun values. La maxadong ginawa. Tumambay lang. Pagbalik sa room gawa agad ng english. Kelangan namin ng song. Song tungkol sa theme na LIVING LIFE TO THE FULLEST. So asa naman na may alam kaming kanta na ganung ang theme diba? So mga pinagpilian: Vogue - dahil tungkol xa sa pagsunod sa agos ng buhay. at Girls just wanna have fun - dahil tungkol xa sa page-enjoy lang ng buhay. So in the end, Girls ung ginamit. With matching CANCER SURVIVIOR song sa huli. At guess what kung anong grade namin? 15/25. Come on! So aun. Pwede na ren. Bawi na lang kami nxt tym.. hehe. wish ko lang.
Physics. Aun. REMOVAL QUIZ daw. Un ung nakalagay sa questionaire eh. Tapos sabog yung score ko. 5/10. Wala na talaga akong pag-asa. May choices pa un sa lagay na un ha. Pano pa kaya bukas? Long test na alang choices. Gudluck naman. May points ba for effort?
Chem. After 10 years lumitaw na si Sir Bocato. Grabe natatakot ako sa kanya kanina. Basta ewan. Nakakatakot siya magsalita. Aun. Lesson tungkol sa GAS chuva. Thank god may naintindihan naman ako. ala lang. Pero bsta. Nakakatakot pa rin xa.
Lunch. Aun. May nakabangga sa akin habang hawak ko ung kabibili kong iced tea. So obviously nahulog yung baso. Pero buti naman hindi sa palda ko nahulog.. mejo sa sapatos lang. Tapos aun. Binayaran naman niya ako.
Stat. Ang bait tlga ni Sir Estacio. La lang. Basta nababaitan tlga ako sa kanya.
AP. Sulat galore lang at checking ng notebook.
Pinoii. Graded recitation. Buti na lang di ako natawag. Pero mejo sayang din kasi yung mga unang tanong alam ko sagutin eh. La lang. Gudluck na lang sakin bukas.
Math. Wala lang. Masaya pa rin ang buhay ni Sir Lorenzo.
MAPEH. Alang mapeh actually. Buti na alng kasi di ako nakapag-drawing.
Bagong Buhay. Ittry ko magbagong buhay ngaun. Gagawa na ako gn assignments at magbabasa kung kelangan. Pero d pa sure kung mapapanindigan ko. hehe. gudluck naman.
Poetry slam. Dapat sasali ulit ako. Kaso nag back out ako kasi na-realize ko na hindi pala ODE yung nagawa ko.
COGZ. Well, going strong. hehe. AztheEgH. ^^
Puta. La lang. Ang saya ng buhay ni PUTAH. Buhay pa nga ba siya? Ewan. Bsta ang saya ng codename niya. Un lang masasabi ko.
Sige yan lang. Bye.
Nytnyt! =)
Have you been Archuletafied?Y
8:50 PM
Sunday, November 12, 2006
Grabe ang iksi ng bakasyon ko ngayon! Kasi ba naman kahapon, may ganung may remedial class sa Physics. So aun, from 8:30-3:00 siya. Si Sir Ian ang nagturo at grabe! Nung pumasok siya sa room halatang-halata na umiyak siya. Tapos hindi niya muna kinaya mag-turo at nung pag-pasok niya, lumabas ulit siya tapos nakita ko nagpupunas ng mata. May ganung moment sir? Aun. Pagkatapos nun nagturo na siya. Si Kim, well... Tuwang-tuwa nung problem solving na. Sabi nga namin, "Kim it's your time to shine. The spotlight is yours." Kaso, hindi maxadong nag-shine si Kim kasi hindi siya nakapag-derive sa board... well, 2 bad. Si Emgee naman nagiinarte. Ayaw sumagot kahit alam naman yung sagot. In the first place, wala naman siya dapat doon diba? Hay nako Emgee. Pasaway ka kasi. Maxado kang nagpakagaga. (secret na lang kung bakit ^^) Si Rigoberto naman forever nagpapapansin kay Renie. Sabi ko nga kay renie eh.. kung ako siya, matagal ko nang hinambalos un. Itapat ba naman sayo ung basa niyang kili-kili? Kaso, hindi ako si renie eh. Hindi ako ganung kaganda. ^^ Oo nga pala, dun kami nag-lunch sa foodcourt. Kasama namin sila Mark and Pau. Kasi pumunta rin sila nung bandang hapon na sa school kahit di sila kasama sa remedial. Si Bday boy orlie pumunta rin. Tapos aun. Nung hapon na, may 2 YSG na nagturo sa amin. Di ko matandaan kung ano names nila. Pero for sure hindi si Orlie. ^^(pis) Tapos eto pa! Si Renan, pinka-huling nagturo sa amin! O dba? Save da best for last! At ito pa! 1st cousin pala ni Renan si NAICOL! At hindi namin matanggap. Actually, si Idol dapat ang magtuturo sa amin, kaso hindi sumipot. So ok. Nung uwiana na, nag-check muna kami ng test sa chem ng Edison 4. Nung pauwi, sumabay ulit ako kayini Mark, Adonna, and company. Kaso dumiretso na rin ako sa Goldilock's (tama ba??) kasi dun ako hinihintay ni mommy fina and daddy ely. Nung pagdating ko dun, well, nandun sila xempre. Tapos sabi nila sa The Block na lang daw ako kumain. E di pumayag agad ako! Tuwang-tuwa ako! Xempre d block sosyal ang mga kainan dun! Un pala, dun lang nila ako dadalhin sa mga kainan dun sa hyper market! Akala ko pa naman dun sa mga resto sa taas! So aun. Nakita ko ulit doon sina kowkow, mark, adonna and emgee. Kakain din sila. E di sumabay na rin ako sa table nila. Kinain ko Shawarma Rice. Masarap hehe. ^^ Tapos d kami nakuntento sa pagkain namin... Umorder kami ng All tuna tekamaki (d ko sure kung tekamaki) bsta un! E d naghati-hati kami. Tapos dumating na si mommy fina, nagbabayad na daw kasi si daddy ely. So pumunta kami sa cashier, e mejo nainip ako.. so sabi ko bili muna ako sa cerealicious. Btw! Nakita ko nga pala si Sexy back sa cerealicious! hehe! kaso nung papunta lng ng hyper market. :( So aun. Fruit loose inorder ko. Well ok lng naman lasa. so Aun. Pagkatapos nun punta na sa car park. Tapos uwi. Tapos mga 4 na un nakatulog ako. At anong oras ako nagising? 8'o clock the other day. So gudluck naman saken. So yan lang for now!
Bye people!
NytNyt!
Have you been Archuletafied?Y
9:00 PM