Monday, October 23, 2006
SemBreak na ngayon. La lang. 2 weeks magtatagal ang sembreak. Well, pwede na ren. La lang. Ang saya dahil sabi ko dati magu-update ako para sa fieldtrip... Well, tignan niyo naman.. la akong update diba? So ayun. Nung friday, last day ng perio at pagkatapos nga nun ala nang pasok since umpisa na nga ng sembreak. Friday aun, sight seeing sa stage ang drama ko. Una kasi nakita ko si sexy back/sexy bahck/sexy bahhck. At ang ganda ng kulay ng damit!
PINK! May ganung paglalantad?? Waahh sira na talaga ang karangalan ko! Pero okey lang. As ive said dba? Ito nga siguro ang definition nya saken:
"Ito si Anna. And babaeng may pagnanasa sa akin." O dba sosyal? Bwiset. So ayun. Tapos nung friday nagpatulong samin si Orlie na pagselosin si Airelle. Joke. Basta, kasama ko kasi si Orlie nung friday. Nag-cerealicious kasi kami nung uwian. Naabutan pa nga namin sina Adrielle, Karl, Ina, and Ericson doon eh. And as usual, kung anu-anong drama nanaman ang pinaggagawa ng magkapatid na si Orlie and Ericson Sayno. Tapos ayun, may chinika sakin si orlie na d ko pwedeng sabihin dahil sabi nya wag ko daw ipagsabi. hehe. Tapos nung pabalik na kami sa mcdo, sumabay samin si Eydi. At nakakakonsensyang sinama pa namin siya dahil akala pala niya sa school na kami pupunta. Eh ang totoo ay mag mmcdo kami at kakain pa kami dun. So ayun, malas ni adrielle. ;) Pero may nahagilap naman siyang pwede niyang makasabay pabalik ng school pero di ko na matandaan kung sino. Sa mcdo aun, chika-chika ulet. Tapos aun, d ko naubos yung inorder kong nuggets w/ rice and regular fries dahil busog na ko. Actually, binalak pa nga namin mag big mac eh. Kaso na realize namin na wala na pala kaming pera... well, si orlie lang pala yun. ;) Pagkatapos mag-mcDo, balik naman kaming school. Dun na ko nag-pasundo. Tapos nung nasa school na, etong YSG na toh, nasabik naman nung nakita niya si Sir Ian at gusto daw niyang tanungin kung ilan pumasa sa bec. Kasi narinig niya na 3 lang ang pumasa sa avo. E nagkataon na na may ka-chika si sir ian. So umupo muna kami dun sa mga bench sa court habang pinapanood si Jollibee mag-basketball. Tapos na-realize na lang namin na wala na pala si sir ian. Gudluk samin. E d aun. Umupo na lang kami habagng pinapanood si jollibee. ang gwapo kasi eh... nakakatunaw ;P Ok seryoso na. Ako kasi pinapanood ko si Sexy Back at Troy sa stage. O dba may ganung combination sa stage? Ang saya nga eh. Grabe ang gwapo talaga nila hindi ko matanggap!!! Lalo na yung kay Troy pamatay bwiset! So aun nga. Inaya ko na si orlie boy na dun kami umupo sa guardhaws since dun naman ako susunduin ni mommy fina.. pero sa gitna ng aming paglalakad.. nasa tapat na tapat ata yun ng stage na medyo gilid.. bigla ba naman nyang sinabi na manood na lang kami! Dito na lang daw muna kami! Nako ha... nahahalata na talaga. tsk ang landi talaga ni orlie! Halata na tuloy na crush niya si Sexy Back at Troy! ;) Tapos sabi sakin ni orlie boy... Tumitingin daw samin si Troy! Oh my gosh! Naakit ko na ata xa! hehe.. asanez. Pero naisip namin.. pano kaya kung iniisip ni troy na-crush NAMIN xa kaya siya tumitingin?? So meaning damay si orlie. Ok goodluck sa kanya. Maya-maya... napansin namin na nadun pala sila KowKow sa gazeebo... Tinitignan din ata si Troy at SEXY BACK! Kaso d na ko maxadong nakapag-chikaChika sa kanila kasi biglang dumating si mommy fina kaya aun.. umuwi na ko. Tapos nung paguwi ko, nakatulog ako at mga mag se-seven na ata ako nagising. So aun, yan lang naman ang mga nangyari nung friday :)
FOOD TASTING: Nung Sabado nag-food tasting kami sa
Hizon's. Kasama ko si mommy fina, tita myrna, and kuya joel. May ganung family?? Well, xempre baka makatulong din sila sa pagpili ng kung ano ang masarap at kung ano ang hindi kakain-kain. Actually, d naman lahat pinakain samin. May mga certain food lang kasi na available for food tasting.
Ito yung mga natikman namin:
1.) Chicken Teriyaki
2.) Pork Spareribs with Oriental Sauce
3.) Lengua Royale
4.) Lasagna
5.) Mixed vegetables in butterPero yun nga, hindi lang yan yug mga food na ihahanda sa prom. Actually yung lengua baka hindi isama. Tapos tinikman din namin yung mga desserts na napaka-complicated yung mga panagalan. hehe.Ayun tiki-tikim.. well, actually lamon since si mommy fina... well, very uncivilized ;) Tapos namili na rn kami ng mga styles ng tables and chairs. Pero d pa yan final. Kasi ico-consult muna ni mommy fina sa ibang parents kung okay na ba ung food. Pwedeng mapalitan yung menu and everything.. tapos magkakaroon din ng final food tasting kung saan yung mga parents na yung titikim. So yan lang naman yung sa food tasting.
Nothing much.
PHILIPPINE IDOL: Naku po. Nakakainis pa rin si Jellie at Ken. Well because dapat matagal na silang natanggal! Ewan ko ba kung bakit until now buhay pa rn sila... >:( Tapos si Gian nag-kalat sa performance night. la lang. hindi maxadong maganda yung number niya.. buti na lang gwapo siya. Si pau ang ganda nung kinanta..
forevermore by: sideA Ayun. kaso according sa mga judges.. marami daw siyang
flats at sharps gudluk. pero basta! Kelangan next week matanggal na talaga si jellie at ken! tamang-tama 2 ang matatanggal nxt wk since kahapon (sunday) walang natanggal due to technical problems na amy kinalaman sa voting.
SUNDAY: Chat with the bbs. Nagiinarte si bols. Ayaw umamin na crush niya si troy. ;)
TODAY: Dapat nasa praktis ako ngaun ng bec para sa sayaw na aliman. Kaso.. aun nga. hindi sa school ang venue ng praktis. Either sa bahay ni karl ni ni regg. Eh alam niyo naman mga parents ko.. very strict. So as usual d ako pwede. senxa na po sa inyo. try ko bumawi nxt tym. :)
So ayan! Updated na! hehe! Sembreak na rn.. so para dun sa mga mag e-EK,
enjoy the rides! Ingat din kayo! Para naman sa may mga balak umuwi ng probinsya,
Have a safe trip! At para sa mga nagaabang kay Troy na mag-OL sa y!m:
GUDLUCK SA ATING LAHAT!
Bye people! have a happy sembreak! :D
Have you been Archuletafied?Y
2:55 PM