Saturday, January 21, 2006
So okay weekend nanaman. So anong gagawin ko this weekend? Malay...
Hay muka akong adik ngaun. Kasi ba nman kanina.. Nangati yung mga mata ko tpos xempre natural reaction ko ay dapat kamutin ko un dahil makati diba? Ganun nman ako lagi eh... Maski alam ko na hindi dapat kamutin ang nangangating mata kinakamot ko pa rin. Bakit? Kasi nangangati eh. So what do u expect? Xempre kakamutin ko? Pero mali. Talagang mali at alam kong mali ang ginawa ko. Dahil ang mata ay mata. Hindi yun simpleng balat na hindi mamamaga pag kinamot. Conclusion? Gago ako. Ngayon nga eh nagpapakagago nanaman ako eh. Bakit? Kasi inuubos ko ang isang minuto sa pagsusulat tungkol sa nangangating mata. So what? Trip ko magpaka-gago eh. Ito talaga cguro ang epekto sakin ng nangangati at naluluha at mapulang mata. Nagiging isa akong tanga. Pero... Masaya naman magpaka tanga ha. Kasi pwede mo gawin lahat ng gusto mo. Wala kang limitasyon dahil wala ka ng pakeelam kung mali na ba ang ginagawa mo o tama pa rin... Wala kang pakeelam. Nakakabuo ka ng isang mundo na kung saan lahat at may kalayaan. O diba ang lalim non? Pag tanga ka akala nila wala kang alam. Pero ang totoo mas marami ka pang alam sa kanila. Bakit? Kasi sa kakagawa mo ng mga katangahang bagay.. You will know the unexpected. Malalaman mo ang hindi mo kailangan malaman by accident. Pero kung minamalas ka naman at tlagang ubod ka na ng tanga.. Baka maski ikaw ay hindi mo ma-realize na malaking bagay na pala ang nalaman mo. Hay nako.. Siguro pag binasa niyo to iisipin niyo na ubod ako ng tanga at kabobohan. Iisipin niyo din na nasisiraan na ko ng ulo. Pero ayus lang. Hehe. Yun ang opinyon niyo eh. Pero isipin niyo.. Hindi kaya katangahan din ang opinyon niyo? Bakit? Kasi ang binasa niyo ay opinyon ko. Opinyon ng isang taong katulad mo. Pano kung ang opinyon ko ang tama at ang opinyon mo ang mali? Ala lng.. naisip ko lang. Hay nako.. Hindi ko naman dapat sinulat tong kachuvahan na ito eh. Bigla n lang kasing pumasok sa isip ko so pasenxa na kung naubos ang oras niyo sa pag-babasa ng isang walang kuwentang bagay.
Kahapon pinanood ko yun "Memoirs of a Geisha". Bumili kc kami ng DVD. Wala lang.. Ang ganda niya. Kahit na mejo mababaw yung storya maganda pa rin siya lalo na yung production.
Nababanas ako dahil ang bagal ng PC namin lalo na pag nagsu-surf sa net. Hay nako. Nababanas talaga ako. Nauubos ksi ung load ng internet card ko sa kaka-load ng mga web page. Hayy. Malay ko ba kugn bakit nagkaganito yung PC namin. Inaamin ko mabagal tlga toh dati pa pro ngaun... My gosh mas lalo pang bumagal. Kung hindi nga lang toh Computer matagal ko na tong winasak eh.. Hay nako umiiral nnman ang kasamaan ko.
Walang kwenta itong post na toh. Hay boring kasi eh. Alang bagong mai-kwento. Pero ala lng... Gusto ko lang sabihin na ang hirap ng test sa AP haha.
Speaking of AP. Umaayos naman ng mag-turo si Maam Nemiada ha. Ewan ko ba. Feeling ko nga tayo-tayo lng din ang gumagawa ng dahilan pra lumabas na wala siyang kwenta. Sabi nga ni Bols, 'Baka kasi nasanay lang tayo kay Maam Capinpin.' So ayun.. Naaawa lang kasi ako minsan kay Maam Nemiada. Ala lng opinion lang. Pero.... Ang hirap tlga nung test sa AP. ^_^
Hayy.. So yan lang muna 4 now.
SALAMAT NGA PALA SA LAHAT NA DUMAAN SA AKING BLOG! ^_^Sayonara minna! :)



Have you been Archuletafied?Y
3:20 PM