<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/17298455?origin\x3dhttp://annakatrina.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Monday, November 13, 2006

Monday nanaman. As usual late ako sa flag ceremony. Pero kahit papaano nakadiretso naman ako sa covered court. Habang naglalakad ako... may narinig akong boses. Kumakanta. Tapos pagtingin ko sa stage... Shocks si ARMINA pala. Nakita ko yung mga ibang tao..lalo na mga bestfriends niya... natatawa. Kasi wala daw siya sa tono. Gudluck naman. Pero okey lang yan boobsy. U did ur best. Go lang nang go! ^^ Aun. Obviously, Bec ang nag-lead ng flag ceremony. So aun. Sabihin na natin na tapos na. Bumalik na kami sa room tapos namroblema kaming magkakagrupo sa english kasi ala pa kaming presentation. Tapos biglang may nag-deklarang may Values. Sabi sa covered court yun pala sa Library. Hayy.. very very unreliabel. E di aun values. La maxadong ginawa. Tumambay lang. Pagbalik sa room gawa agad ng english. Kelangan namin ng song. Song tungkol sa theme na LIVING LIFE TO THE FULLEST. So asa naman na may alam kaming kanta na ganung ang theme diba? So mga pinagpilian: Vogue - dahil tungkol xa sa pagsunod sa agos ng buhay. at Girls just wanna have fun - dahil tungkol xa sa page-enjoy lang ng buhay. So in the end, Girls ung ginamit. With matching CANCER SURVIVIOR song sa huli. At guess what kung anong grade namin? 15/25. Come on! So aun. Pwede na ren. Bawi na lang kami nxt tym.. hehe. wish ko lang.

Physics. Aun. REMOVAL QUIZ daw. Un ung nakalagay sa questionaire eh. Tapos sabog yung score ko. 5/10. Wala na talaga akong pag-asa. May choices pa un sa lagay na un ha. Pano pa kaya bukas? Long test na alang choices. Gudluck naman. May points ba for effort?

Chem. After 10 years lumitaw na si Sir Bocato. Grabe natatakot ako sa kanya kanina. Basta ewan. Nakakatakot siya magsalita. Aun. Lesson tungkol sa GAS chuva. Thank god may naintindihan naman ako. ala lang. Pero bsta. Nakakatakot pa rin xa.

Lunch. Aun. May nakabangga sa akin habang hawak ko ung kabibili kong iced tea. So obviously nahulog yung baso. Pero buti naman hindi sa palda ko nahulog.. mejo sa sapatos lang. Tapos aun. Binayaran naman niya ako.

Stat. Ang bait tlga ni Sir Estacio. La lang. Basta nababaitan tlga ako sa kanya.

AP. Sulat galore lang at checking ng notebook.

Pinoii. Graded recitation. Buti na lang di ako natawag. Pero mejo sayang din kasi yung mga unang tanong alam ko sagutin eh. La lang. Gudluck na lang sakin bukas.

Math. Wala lang. Masaya pa rin ang buhay ni Sir Lorenzo.

MAPEH. Alang mapeh actually. Buti na alng kasi di ako nakapag-drawing.

Bagong Buhay. Ittry ko magbagong buhay ngaun. Gagawa na ako gn assignments at magbabasa kung kelangan. Pero d pa sure kung mapapanindigan ko. hehe. gudluck naman.

Poetry slam. Dapat sasali ulit ako. Kaso nag back out ako kasi na-realize ko na hindi pala ODE yung nagawa ko.

COGZ. Well, going strong. hehe. AztheEgH. ^^

Puta. La lang. Ang saya ng buhay ni PUTAH. Buhay pa nga ba siya? Ewan. Bsta ang saya ng codename niya. Un lang masasabi ko.

Sige yan lang. Bye.
Nytnyt! =)



Have you been Archuletafied?Y
8:50 PM

Sunday, November 12, 2006

Grabe ang iksi ng bakasyon ko ngayon! Kasi ba naman kahapon, may ganung may remedial class sa Physics. So aun, from 8:30-3:00 siya. Si Sir Ian ang nagturo at grabe! Nung pumasok siya sa room halatang-halata na umiyak siya. Tapos hindi niya muna kinaya mag-turo at nung pag-pasok niya, lumabas ulit siya tapos nakita ko nagpupunas ng mata. May ganung moment sir? Aun. Pagkatapos nun nagturo na siya. Si Kim, well... Tuwang-tuwa nung problem solving na. Sabi nga namin, "Kim it's your time to shine. The spotlight is yours." Kaso, hindi maxadong nag-shine si Kim kasi hindi siya nakapag-derive sa board... well, 2 bad. Si Emgee naman nagiinarte. Ayaw sumagot kahit alam naman yung sagot. In the first place, wala naman siya dapat doon diba? Hay nako Emgee. Pasaway ka kasi. Maxado kang nagpakagaga. (secret na lang kung bakit ^^) Si Rigoberto naman forever nagpapapansin kay Renie. Sabi ko nga kay renie eh.. kung ako siya, matagal ko nang hinambalos un. Itapat ba naman sayo ung basa niyang kili-kili? Kaso, hindi ako si renie eh. Hindi ako ganung kaganda. ^^ Oo nga pala, dun kami nag-lunch sa foodcourt. Kasama namin sila Mark and Pau. Kasi pumunta rin sila nung bandang hapon na sa school kahit di sila kasama sa remedial. Si Bday boy orlie pumunta rin. Tapos aun. Nung hapon na, may 2 YSG na nagturo sa amin. Di ko matandaan kung ano names nila. Pero for sure hindi si Orlie. ^^(pis) Tapos eto pa! Si Renan, pinka-huling nagturo sa amin! O dba? Save da best for last! At ito pa! 1st cousin pala ni Renan si NAICOL! At hindi namin matanggap. Actually, si Idol dapat ang magtuturo sa amin, kaso hindi sumipot. So ok. Nung uwiana na, nag-check muna kami ng test sa chem ng Edison 4. Nung pauwi, sumabay ulit ako kayini Mark, Adonna, and company. Kaso dumiretso na rin ako sa Goldilock's (tama ba??) kasi dun ako hinihintay ni mommy fina and daddy ely. Nung pagdating ko dun, well, nandun sila xempre. Tapos sabi nila sa The Block na lang daw ako kumain. E di pumayag agad ako! Tuwang-tuwa ako! Xempre d block sosyal ang mga kainan dun! Un pala, dun lang nila ako dadalhin sa mga kainan dun sa hyper market! Akala ko pa naman dun sa mga resto sa taas! So aun. Nakita ko ulit doon sina kowkow, mark, adonna and emgee. Kakain din sila. E di sumabay na rin ako sa table nila. Kinain ko Shawarma Rice. Masarap hehe. ^^ Tapos d kami nakuntento sa pagkain namin... Umorder kami ng All tuna tekamaki (d ko sure kung tekamaki) bsta un! E d naghati-hati kami. Tapos dumating na si mommy fina, nagbabayad na daw kasi si daddy ely. So pumunta kami sa cashier, e mejo nainip ako.. so sabi ko bili muna ako sa cerealicious. Btw! Nakita ko nga pala si Sexy back sa cerealicious! hehe! kaso nung papunta lng ng hyper market. :( So aun. Fruit loose inorder ko. Well ok lng naman lasa. so Aun. Pagkatapos nun punta na sa car park. Tapos uwi. Tapos mga 4 na un nakatulog ako. At anong oras ako nagising? 8'o clock the other day. So gudluck naman saken. So yan lang for now!

Bye people!
NytNyt!



Have you been Archuletafied?Y
9:00 PM

Thursday, October 26, 2006

TUESDAY: CircleC galore with mommy fina and ate lenlen. Nagtingin-tingin kami ng matinong dvdS na pwedeng mapanood. Unfortunately, isa lang nabili namin. "The devil wears Prada." Pinanood ko nung gabi at maganda naman. Balak ko ngang bumili ng dvd ng full metal alchemist eh. Actually matagal ko nang binabalak yun. Kaso hindi nangyayari dahil ayaw akong bilan. Makuntento na raw ako sa isang katutak kong naruto dvdS. Kaso nababagot talaga ako ngayon dahil ala akong mapanood na bagong naruto dahil hindi pa sila naglalabas ng bago.. yung pinaka-latest napanood ko na. So gusto ko naman i-try yung FMA. ala lang. gudluck saken. Ayun. THE PRADA WEARS DEVIL lang talaga nabili naming dvd. Pagkatapos bumili ng dvd, pumunta kami sa abenson la lang. tingin-tingin lang. tapos etong si mommy fina, may nakitang sofa na parang bagay daw sa sala namin. Kaso itong si ate lenlen nach-cheapan sa itsura. Mukha raw kasing madumi. Eh sabi ni mommy fina maganda naman daw... para kasing kakulay nung isa pa naming upuan sa sala. Tsaka compared naman daw with the sofa na nasa salas namin ngaun, di hamak naman daw na mas matino itong nakita niya. So aun, etong si mommy fina... nagtawag na ng maga-assist. E d aun tanong-tanong kung pano yung bayaran chuva-chuva. Kaso na turn-off xang bilin yung sofa kasi ang gulong kausap nung lalaki. So aun, pinaalis na niya yung guy. Sabi ni ate lenlen, sa our home na lang daw xa bumili. Eh sabi ni mommy fina mahal daw dun. Sabi naman ni ate lenlen magkasing presyo lang daw. Basta ayun. So the bottom point is... Hindi natuloy ang pag-bili ng sofa Gudluck.

Pagkatapos magikot sa abenson, pumunta naman kami sa Robinson's supermarket para mamili ng kung ano man. Naubos na kasi yung mga supplies namin ni ate lenlen tulad ng powder, sabon, etc. Eh kasi ako malandi ako pagdating jan. Actually, marami naman kaming sabon sa bahay kaso ayaw ko lang na yun ang gamitin. Feeling ko kasi gumagaspang yung balat ko pag yun ang ginagamit ko. Ginagamit ko kasi talagang sabon eh Dove... May ganung kaartehan? Tapos shampoo ko naubos na rin. Yung Panteen glossy shine ni kris. hehehe. ano pa ba.. basta ayun. Maka-panteen kasi ako. Si ate lenlen naman maka-sunsilk. Si mommy fina maka-ivory ata. hehe. nage-exist pa ba yung ivory shampoo?? waah ewan. Kahit anong shampoo kasi ginagamit ni mommy fina eh. Pero base sa mga nangyayari ngaun... Madalas kong nakikita nyang gamitin ay rejoice. So aun.. bili rin nang onting food. Tapos bumili nga rn pala ko ng Ok! magazine. Yung tungkol sa mga Hollywood celebs. Kasi ba naman.. sawang-sawa na ko sa mga Yes at Starstudio mag na binibili nila. Pero kasi mukha ni Kim Chui at kung cnu-cno pang.. waah ewan yung mga nakalagay dun. So ayun.. mejo nababaduyan na ko. So para maiba naman.. Bumili ako ng Ok!. Nagkataon naman na ang feature dun eh yung si Prince Harry at yung jowa niyang si Chelsy Davy. So nagtaka yung ate ko kung bakit ako biglang bumili nun... Gusto ko daw kasi makita yung GF ni Harry?! Eh la nga akong pakeelam dun eh! May ganung defensive??? Pero honestly speaking... D ko maxadong ma-appreciate yung beauty ni prince harry. la lang. sharing. So aun, pagkatapos mamili uwi na. then aun. un na un.

WEDNESDAY: La naman maxadong nangyari. Buong araw lang akong nasa bahay. Ayun... nakatambay lang sa bahay.

PAINTING GALORE: Halos magiisang linggo nang pinipinturahan itong bahay namin. Ewan ko ba sa tatay ko kung bakit niya biglang naisipang papinturahan itong bahay. Basta may nakita nalang siya sa dyaryo na bahay na mala Mediterranean ang dating dahil sa kulay... aun, bigla na lang pinapinturahan itong bahay! From the bubong to the gate and the pader. Yung bubong pinapinturahan niyang Spanish Red tapos yung pader naman ngaun pa lang sisimulan yung pagpipintura. Kasi pinatitimpla pa nila yung pintura... Gusto kasi nilang shade yung parang nasa newspaper... Yung mala- Orangey-reddish-yellowish chuva. Basta di ko ma-explain! Basta pang- Mediterranean nga yung kulay. hehe. Visualize niyo na lang :).

PAGLAMON KO: Napapansin ko during the past few days ang lakas kong lumamon. ewan ko ba para akong naglilihi na ewan! Basta gusto ko lagi akong kumakain... d ako mapakali kung wala akong kinakain! Feeling ko nga may bulate ako sa tiyan eh.. if not baka sawa pa. Waah ewan. Cguro dala lang to ng pagka-ala kong magawa. Gudluck na lang sa bituka ko.

So yan lang pipol! Byebye! ;)



Have you been Archuletafied?Y
2:40 PM

Monday, October 23, 2006

SemBreak na ngayon. La lang. 2 weeks magtatagal ang sembreak. Well, pwede na ren. La lang. Ang saya dahil sabi ko dati magu-update ako para sa fieldtrip... Well, tignan niyo naman.. la akong update diba? So ayun. Nung friday, last day ng perio at pagkatapos nga nun ala nang pasok since umpisa na nga ng sembreak. Friday aun, sight seeing sa stage ang drama ko. Una kasi nakita ko si sexy back/sexy bahck/sexy bahhck. At ang ganda ng kulay ng damit! PINK! May ganung paglalantad?? Waahh sira na talaga ang karangalan ko! Pero okey lang. As ive said dba? Ito nga siguro ang definition nya saken: "Ito si Anna. And babaeng may pagnanasa sa akin." O dba sosyal? Bwiset. So ayun. Tapos nung friday nagpatulong samin si Orlie na pagselosin si Airelle. Joke. Basta, kasama ko kasi si Orlie nung friday. Nag-cerealicious kasi kami nung uwian. Naabutan pa nga namin sina Adrielle, Karl, Ina, and Ericson doon eh. And as usual, kung anu-anong drama nanaman ang pinaggagawa ng magkapatid na si Orlie and Ericson Sayno. Tapos ayun, may chinika sakin si orlie na d ko pwedeng sabihin dahil sabi nya wag ko daw ipagsabi. hehe. Tapos nung pabalik na kami sa mcdo, sumabay samin si Eydi. At nakakakonsensyang sinama pa namin siya dahil akala pala niya sa school na kami pupunta. Eh ang totoo ay mag mmcdo kami at kakain pa kami dun. So ayun, malas ni adrielle. ;) Pero may nahagilap naman siyang pwede niyang makasabay pabalik ng school pero di ko na matandaan kung sino. Sa mcdo aun, chika-chika ulet. Tapos aun, d ko naubos yung inorder kong nuggets w/ rice and regular fries dahil busog na ko. Actually, binalak pa nga namin mag big mac eh. Kaso na realize namin na wala na pala kaming pera... well, si orlie lang pala yun. ;) Pagkatapos mag-mcDo, balik naman kaming school. Dun na ko nag-pasundo. Tapos nung nasa school na, etong YSG na toh, nasabik naman nung nakita niya si Sir Ian at gusto daw niyang tanungin kung ilan pumasa sa bec. Kasi narinig niya na 3 lang ang pumasa sa avo. E nagkataon na na may ka-chika si sir ian. So umupo muna kami dun sa mga bench sa court habang pinapanood si Jollibee mag-basketball. Tapos na-realize na lang namin na wala na pala si sir ian. Gudluk samin. E d aun. Umupo na lang kami habagng pinapanood si jollibee. ang gwapo kasi eh... nakakatunaw ;P Ok seryoso na. Ako kasi pinapanood ko si Sexy Back at Troy sa stage. O dba may ganung combination sa stage? Ang saya nga eh. Grabe ang gwapo talaga nila hindi ko matanggap!!! Lalo na yung kay Troy pamatay bwiset! So aun nga. Inaya ko na si orlie boy na dun kami umupo sa guardhaws since dun naman ako susunduin ni mommy fina.. pero sa gitna ng aming paglalakad.. nasa tapat na tapat ata yun ng stage na medyo gilid.. bigla ba naman nyang sinabi na manood na lang kami! Dito na lang daw muna kami! Nako ha... nahahalata na talaga. tsk ang landi talaga ni orlie! Halata na tuloy na crush niya si Sexy Back at Troy! ;) Tapos sabi sakin ni orlie boy... Tumitingin daw samin si Troy! Oh my gosh! Naakit ko na ata xa! hehe.. asanez. Pero naisip namin.. pano kaya kung iniisip ni troy na-crush NAMIN xa kaya siya tumitingin?? So meaning damay si orlie. Ok goodluck sa kanya. Maya-maya... napansin namin na nadun pala sila KowKow sa gazeebo... Tinitignan din ata si Troy at SEXY BACK! Kaso d na ko maxadong nakapag-chikaChika sa kanila kasi biglang dumating si mommy fina kaya aun.. umuwi na ko. Tapos nung paguwi ko, nakatulog ako at mga mag se-seven na ata ako nagising. So aun, yan lang naman ang mga nangyari nung friday :)

FOOD TASTING: Nung Sabado nag-food tasting kami sa Hizon's. Kasama ko si mommy fina, tita myrna, and kuya joel. May ganung family?? Well, xempre baka makatulong din sila sa pagpili ng kung ano ang masarap at kung ano ang hindi kakain-kain. Actually, d naman lahat pinakain samin. May mga certain food lang kasi na available for food tasting.

Ito yung mga natikman namin:

1.) Chicken Teriyaki
2.) Pork Spareribs with Oriental Sauce
3.) Lengua Royale
4.) Lasagna
5.) Mixed vegetables in butter


Pero yun nga, hindi lang yan yug mga food na ihahanda sa prom. Actually yung lengua baka hindi isama. Tapos tinikman din namin yung mga desserts na napaka-complicated yung mga panagalan. hehe.Ayun tiki-tikim.. well, actually lamon since si mommy fina... well, very uncivilized ;) Tapos namili na rn kami ng mga styles ng tables and chairs. Pero d pa yan final. Kasi ico-consult muna ni mommy fina sa ibang parents kung okay na ba ung food. Pwedeng mapalitan yung menu and everything.. tapos magkakaroon din ng final food tasting kung saan yung mga parents na yung titikim. So yan lang naman yung sa food tasting. Nothing much.

PHILIPPINE IDOL: Naku po. Nakakainis pa rin si Jellie at Ken. Well because dapat matagal na silang natanggal! Ewan ko ba kung bakit until now buhay pa rn sila... >:( Tapos si Gian nag-kalat sa performance night. la lang. hindi maxadong maganda yung number niya.. buti na lang gwapo siya. Si pau ang ganda nung kinanta.. forevermore by: sideA Ayun. kaso according sa mga judges.. marami daw siyang flats at sharps gudluk. pero basta! Kelangan next week matanggal na talaga si jellie at ken! tamang-tama 2 ang matatanggal nxt wk since kahapon (sunday) walang natanggal due to technical problems na amy kinalaman sa voting.

SUNDAY: Chat with the bbs. Nagiinarte si bols. Ayaw umamin na crush niya si troy. ;)

TODAY: Dapat nasa praktis ako ngaun ng bec para sa sayaw na aliman. Kaso.. aun nga. hindi sa school ang venue ng praktis. Either sa bahay ni karl ni ni regg. Eh alam niyo naman mga parents ko.. very strict. So as usual d ako pwede. senxa na po sa inyo. try ko bumawi nxt tym. :)

So ayan! Updated na! hehe! Sembreak na rn.. so para dun sa mga mag e-EK, enjoy the rides! Ingat din kayo! Para naman sa may mga balak umuwi ng probinsya, Have a safe trip! At para sa mga nagaabang kay Troy na mag-OL sa y!m:

GUDLUCK SA ATING LAHAT!



Bye people! have a happy sembreak! :D



Have you been Archuletafied?Y
2:55 PM

Sunday, September 17, 2006

Ok Sunday nanaman at bukas may pasok... bwiset. Wish ko lang kasi alang pasok bukas kasi dba... may ganung 1 week tayong pumapasok?! So aun.. wish ko lang talaga. Tapos kanina family day.. and thank god dahil may umattend naman.. hehe. mejo lang. Pero mamaya ko na ikkwento yung pangyayaring yan... Eto na munang circleC issue yung uunahin ko since kahapon xa nangyari.

Stranded sa CircleC: Ok ganito yan... Kasi nga kahapon diba may pinuntahan kami... At wala nga pala akong balak ikwento kung ano man ang nangyari dun sa pinuntahan naming lugar dahil... Kinuha namin ung inorder naming smuggled furnitures sa pier.. joke. Ah bsta! napaka-walang sense kasi kaya nevermind n lang! So anyway. Aun nga, after namin pumunta sa kung ano mang lugar na yun pumunta kaming circleC.. Pero hindi kami dun nag-park sa circle C dahil puno na ung parking so dun kami nag park sa northridge (tama b spelling?) So aun. Nagpark nga kami. Tapos bago kami pumunta sa circle c para mag pa duplicate ng susi ni daddy ely, kumain muna kami sa pancake house at nagpaxerox sa national. Tapos meron pa ngang nag-away na lalaki at tricycle driver eh! akala namin ni mommy fina magbabarilan na! So aun. Tapos pagkatapos kumain... Naglakad na nga kami papuntang circle C. So aun.. sabihin na naten na tapos na ung agenda namin s circleC. Nung pabalik n kami sa kotse.. nakita namin na umuulan ng mlkas sa labas! E si mommy fina uwing-uwi na! Sabi nya tatawirin na lang nya kahit umuulan para makuha ung kotse tapos susunduin n lng nya ko. E sabi ko bumili n lng kaya kami ng payong sa loob. E ayaw nya! Alangan nmndaw na bibili xa ng payong dahil lang dun?! So aun. Si mommy fina sumugod sa ulan! very brave! Tpos traffic pa nung tym na un kaya ang tagal kong nag-hintay sa labas ng circle C. So aun. May ganung stranded daw?! Well d nmn tlga maxado eh. Gudlak saken.

Family Day: Kanina family day at salamat naman at may pumunta kahit papaano. Ewan ko lang kung saan napadpad ung mga taong sabi pupunta pero ni isang bakas nila kanina walang nakita ;) Pero ok lang yan pipol. =) So aun. Pagdating namin ni mommy fina sa rum naglilinis pa lang sila armina, ganda, and company. Nandun dn cla hevs, jean, koko, pau, echo, jhobert at marami pang iba. hehe. ironic? "marami pang iba" hehe. Bsta wat i mean is meron pang mga hindi nabanggit. D nga lang karamihan pro aus lng un :) Tapos ung food eto: Chicken curry, Pansit in all variations, BBQ, cake and juice. Mejo onti ung klse ng mga food pero ang dami naman ng servings. ala lang. Tapos si koko nagpapanggap kay daddy romeo na alam nio na.. hehe. So nabansagan xang mapagpanggap. Sabi nga namin maglaglag na xa eh. As in he/she/whatever will announce na "he's a girl!" pis koko! :) E kaso ayaw nya. Xempre kung ako rn naman un (may ganung pag-assume sa sarili na isa akong bakla), hindi mo alam kung ano ang magiging reaction ng TATAY mo kung malaman nya na ang anak nyang lalaki ay isang binabae. Xempre malilito ka. Matatakot at kung anu-ano pa. So don't worry koko.. i understand :) So un nga. ala maxadong program... at alang games. Kainan lang 2 da highest level. Tapos ung curie nagkataon na ala silang food so sabi namin makikain na lang sila samen.. eh kaso nahihiya sila! So pinilit namin sila at sa bandang huli pumayag naman. Tapos binigyan dn namin cla ng food sa room nila. ala lang. hehe :) So aun. tapos si sir lorenzo... nung uwian na dumating. go sir. :) Tapos aun.. umuwi na kami tapos nung pagkauwi ko binuksan ko agad ung aircon dahil mah-heat stroke na ko sa sobrang inet at nakatulog naman ako. Actually... Kagigising ko lang ngaun. hehe. mejo lang kasi nakakkin namn ako kanina ng hapunan. Pero mejo kagigising ko pa rn. Tapos kanina kausap ko si kate rapist. l lng sharing. so yan lang. hehe.

B-Bye pipol! :)



Have you been Archuletafied?Y
8:40 PM

Saturday, September 16, 2006

Ok update nanaman. La lang. Wala akong magawa ngaun eh. Actually, hindi ako pumasok ngaun kahit na may event sa school at un ay ung INTRAMS. Ngaun ko lang naalala na may pupuntahan kami mamaya. Grabe ung ganun eh noh.. Very excited pa naman ako tapos d pala ako makaka-punta. So aun. Gudluk na lang sa Red Team! :)

PRACTICE PARA SA CHEERING (BOOSTERS): Aun. Hindi maxadong nakapag-practice dahil nga sa rule na as much as possible... walang makakaistorbo ng klase. So tlgang minimal na minimal ung practice namin. Tapos ung bec, aun todo sigaw 2 da highest level. Tapos kami nila mark and koko nakikipag-kompitensya kay vishnu sa pag-sayaw. haha. kaso di kami makalevel eh! iba talaga ang level ni vishnu! hindi namin ma-reach!! :) :D Tapos, kahit anong pigil kong hindi matawa kay reyna... waah d ko pa rin tlga napigilan. Kasi ba naman ang ganda na kasi ng pigil ko sa tawa ko ng biglang humagikhik si clarabel ng napakalakas! so aun! halos 4 the whole day natatawa na lang ako pag pinapanood ko xa! XD (Kung may questions kau kng cno ung mga tinutukoy ko.. well aun.. tanungin nio na lang ako privately ;) )

BATTLE: Aun. First tym ko magbattle. Dati kasi lagi akong tinatamad... especially nung 2nd yr. Ok lang naman.. kaso maaga ako umuwi eh. 9 pa lang umuwi na ko so ung shamrock lang ang inabot kong guest band. So aun. Si Adonna nagwawala kasi ang gwapo raw ni kelvin. Pero infarenez mukha ngang tao si kelvin nung battle. Tapos nandun dn si juday at xempre gwapo xa. Sayang nga alng at hindi ko nakita si sir peter :( Tapos may kasama rn si armina na friend nya.. si kim ortiz (tama nga ba?) aun. hehe. may hawid xa kay myra. Tapos aun, nagalit nanaman si orlie saken pati kay armina kasi biniro namin xa na sasabihin namin kay clarabel ang paglalagay nya ng cellphone sa pwet. So aun, nag-drama nanaman si orlie. Actually, ilang araw na kaming away-bati ni lavilla. May ganung LQ?! Hayy.. ewan ko ba dun. Napaka-pikon ngaung week na toh.. ay hindi nung last week pa pla! hayy.. nagme-menopause na ata yang lalaking yan eh.

FOUNDATION DAY/CHEERING: Wala. Ang boring ng foundation day. Wala ka maxadong mapagkaabalahan. Tapos ung cheering ngaun hindi pa maxadong maganda. kasi prang halos lahat nagkagulo-gulo. Ung cheering ng seniors maganda naman pero hindi kasing ganda ng dati. Tapos ung cheering nman ng namin (juniors) magulo ngaun compared dati. Ung boosters nagkagulo rn. hehe. Ung sa sophies naman may improvement naman.. hehe. Very retro nga sila eh. with leggings effect pa kasi. hehe. Tapos ung amin naman very chinese inspired! With matching dragon pa ung entrance ng mga dancers! Ung sa seniors ang ganda ng damit ng mga dancers! wala lng ang ganda tlga. Ung sa freshies naman.. well.. aun. hehe. ung mga dancers naging 'dancers turned boosters'. Kasi ba naman sila na nga ang sumasayaw sila pa ang nagch-cheer. Napaka walang pakinabang ng mga boosters eh noh. Hayy.. kung sabagay lahat namn ng mga year dumaan sa mga ganung pangyayari. Dba nga nung 1st yr may kawayan effect pa. hehe. pis! ;)

Ok. So balik tau sa foundation day. So aun nga. Naboboringan ako sa foundation day ngaun. Tapos wala pang mabilan ng matinong pagkain. Una: Dun kami pumunta ng bbs sa science club pra mag-lunch since nagbebenta sila ng adobo w/ rice. Eh nagkataon na nung ako na and clarabel and kate ang bibili.. may ganung naubusan ng kanin. may ganung kamalasan. So lakad nanaman kami papuntang court para dun bumili sa rice in a box. Tapos nako.. napaka walang lasa. para kang kumakain ng kanin na mainit lang. haha. gudlak tlga samen. tapos aun.. chika galore muna. Dun kami kasi tumamabay dun sa mga tent na pang patay sa field. Tapos, nakita namin si Troy!! E dba himig nga xa?! E yung mga himig nagiikot-ikot para kumanta sayo tapos babayran mo sila. E ksma xa dun! E d tuwang-tuwa naman kami... lalo na nung lumapit n sila samin! Tapos aun nga kumanta na sila.. haha! E d sobrang kilig namin ni armina hindi namin mapigilan! Si mark naman napigilan nya! Tapos nung natapos n silang kumanta nagrequest kami na kanta ulit sila! haha. e d tuwang-tuwa kami! Pero mejo nakakabwisit kc d naman xa kumakanta! Pro maski na ang gwapo p rn nya! Tapos e d aun.. nung umalis n cla nagwala kami nila armina at mark. Si clarabel naman diring-diri! Tapos nanood naman kami ng gameshow (may ganung term) ni sir lorenzo. Nakalimutan ko nga alng kung anong tawag dun sori. Tapos kasama si papa echo and eisma. tapos habang naghihintay magumpisa ung show nagpakanta ulit kmi! hehe! may ganung kalandian?! So aun nung nagumpisa na.. aun nanood kami tapos sumasagot dn. hehe. pagkatapos nun tumambay muna kami sa rum tapos nag noise barrage sila kate, heverly, armina, at ganda. pati nga si david cena hindi kinaya ung pagkanta nila eh at pinatahimik cla. Aun, tumambay kami doon habang hinihintay ung xientian idol pero prang hindi naman matutuloy.. So nag-mcdo na lang kami! Aun, kasama ko sila ganda, kate, armina and rizi. Tapos si kate nako po... Very uncivilized bumahing (pis kate) :) Tapos biglang may dumating na alien sa mcdo at kinikilig naman si kate.. kadiri. Tapos pinagusapan namin ung tungkol sa mga bading at ang pagkagalit s knla ng mga feeling lalaking-lalaki. So aun. un lang. ay oo nga pala! kinasal nga pala si koko at jerome! syang hindi ko napanood!

CONGRATULATIONS MR. AND MRS. MUSA! BEST WISHES! ;)


Ay wish ko nga rn pala may umattend bukas sa family day! ;) kita-kits pipol! :)

So yan lang. Bye! :)



Have you been Archuletafied?Y
11:15 AM

Sunday, September 10, 2006

Sunday nanaman ngaun. Wish ko lang hindi ako tamarin gawin yung molecular geometry ni naicol. Actually, by group itong homework na toh... homework nga ba toh?? waah ewan. So aun nga. Since by grup xa... Wala akong karapatang magpaka-TAMAD. Kelngn kong gawin ung 2 na dapat ako ang gagawa. Dahil pag nagpaka-tamad ako hindi ko un nagawa... patay ako sa mga kagrupo ko. At isa pa, kagrupo ko si Papa Echo. So dapat magpakatino ako. Dahil kung hindi, baka jombagin ako nun. O kaya naman baka bigla na lang ako daganan nun at siguadong patay ako. So anyway... :)

Noong mga nakaraang araw nasa center of attraction si *shhh*. (Wish ko lang makilala niyo xa) Ang dami na kasing nab-bwisit sa kanya. Unang dahilan: Mahangin xa. Ang daming nahahanginan sa kanya. Ang daming naaangasan sa kanya. Ang daming nayayabangan sa kanya. In my point of view... Mahangin nga xa. waah. Pero naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam kung sadyang ganun lang talaga xa makipag-interact sa mga tao at feeling nya natutuwa kami sa kanya o talagang nang-iinsulto xa at sadyang nagmamayabang xa. Hindi ko talaga maintindihan. Pero isa lang talaga ang naiintindihan ko... Kaya siguro walang nakakatagal sa kanya ay dahil dun nga. Imaginine mo, for almost 3 years wala xang naging.. u know. close friend. so aun.. mejo naiintindihan ko na kung bakit ganun. Ok. Ikkwento ko ung mga nangyari kung bakit xa nabansagang "mahangin". Una: Everytime na may grupwork sa chem.. lagi xang humuhiwalay. Lagi xang nagso-SOLO. At nung tinanong ng grupmate nya kung bakit xa humihiwalay... Guess what kung anong sagot nya? UMAASA DAW KASI SILA SA KANYA. SA KANYA LANG DAW KASI SILA NAKADEPENDE. Woah! May ganung feeling importante! Tapos eto pa: Nung may recitation sa chem tungkol sa naming of compounds... Kasi pag hindi ka nakasagot tatayo ka. So may mga pipol na hindi nakasagot or mali ung sagot at an, pinatayo nga. E nung tym na nya para sumagot.. nagkataon na mejo madali ung natapat sa kanya. Sabi ba naman "SIR ANG DALI NAMAN NYAN! GUSTO NIYO SIR PA-UPUIN NIYO NA SIALNG LAHAT AKO NA ANG SASAGOT NG LAHAT NG YAN." Grabe ung ganun eh noh. Hindi ko alam kung naaawa xa sa mga nakatayo kaya gusto na nya silang paupuin o sadyang nagmamagaling lang xa. Pero maski na.. nakakainsulto pa rn ung dating. Tapos dati nagkaroon ng quiz sa chem... e halos kaming lahat puro 1 puro 3 o 4 ung score. Tapos sabi ba naman niya, ANG BABA DAW NIYA KASI "8" LANG XA. May ganung ANG HANGIN! Tapos eto pa! Nung sasabihin na ni naicol kung sino ang highest sa long test sa chem... and unfortunately si YSG wannabe Orlie yun. Bago pa masabi ni Naicol kung sino bigla ba naman tumayo si *shhh*. May ganung feeling. Tapos eto naman ung personal experience ko sa kayabangan ni *shhh*. Kasi ganito yan, everytime na may test kami sa chem at mauubos na ung time namin... at xempre natataranta kami dahil hindi pa kami tapos.. lagi ko xang naririnig na sinasabi "Sir pasa na", "Sir gutom na ko". Hayy nako ang hangin talaga. Tapos abot tenga pa ung ngiti nya.. hindi ko rn maintindihan kung ngiti ba un o smirk. Para bang tuwang-tuwa xa at natataranta kami kung ano ang isasagot namin habang xa ay tapos na. Tae. So aun. Isa apng rason kung bakit maraming banas sa kanya ay dahil sa lagi xang NAGIINARTE! Example: May presentation kami sa English (Sukob). Kasi xa ung magiintroduce. At dapat may chaka effect ung intro nya. Ang gagawin dapat nya, habang nagiintro xa.. nakatakip ung hair nya sa mukha nya at sasabihin nya "I'm Helen, and this is my story.". Eh ayaw gawin nag-iinarte! So aun! Natagalan kami bago makapagpresent at obyusli! May bawas na samin un! Jusko! Ano ba naman kasing nakakahiya o masama roon!? E kasimpleng bagay lang naman ang gagawin nya. Nako po naginarte pa kasi eh... Tapos eto pa. Sa english din. May grup meeting kasi kami so tinatawag namin xa. Hindi namin alam kung sadyang nagbibingibingihan lang sa o tlgang BINGI xa. E ayaw ba naman kaming pansinin. Nako gudlak n lang sa knya. Tapos eto naman ung isang kabwisit experience ko sa knya: Nasa p6 lab kasi ako nun. Binabasa ko ung mga magazines na pinasa nga kay sir ian. E nagkataon na ung binabaa ko, may manga na NARUTO. E nakita nya! E d aun naexcite naman xa... Bigla ba naman hinugot sa kamay ko kahit nakita nya na binabasa ko! May ganung bastusan! E d sabi ko.. *shhh* pahiram naman. E walang naririnig.. so inulit ko.. *shhh* pahiram naman. May babasahin lang ako. Jusko wala pa rn naririnig ang lola mo! E d mejo kumulo na ung dugo ko. Sabi ko *shhh* pwedeng akin na. BINABASA KO PA KASI. Wa epek pa ren. So tinigilan ko na xa at baka kung ano pa masabi ko. Pasalamat xa nandun si sir ian dahil kung hindi pinasabog ko na tlga xa. At take note: Binalik nya sakin pagkatapos tlga nyang tapusin basahin ung lahat. May ganung kakapalan at kabastusan. Nako.. gudlak n lng sau in da future.

So enough na with the mahangin talk. Punta naman tau sa kalandian ko. :) hehe! May 3 akong iniistalk ngaun.. well, hindi naman totally STALK. hehe. mejo lang ;P Una ay si Sir Peter na pinaka-pangit sa kanila. Pero kahit na xa ang pinaka-PANGIT, gwapo pa rin xa. :) Pangalawa ay si Adan. Compared kay Sir Peter, mas madaling hagilapin si Adan. Pangatlo ay si Troy... ang pinakagwapo sa lahat. Pinakamadali rn hagilapin pero pinaka-mahirap i-sight-seeing. May dahilan kung bakit pero secret na lang. :) Dapat 4 tlga yan.. kaso ayaw pa umamin ng mga kasama kong stalker na may pagnanasa sila aky Juday kaya ala akong kasamang mag sightseeing sa kanya. Bilis na kasi umamin na kayo... Lalo ka na Mark! :)

Nung friday naman may explosive revelation kaming nalaman tungkol kay Orlie... Ang true love niya ay hindi si JC... hindi rin si Airelle... at definitely hindi si Aryan! Walang iba kung hindi si PAPA ECHO!! ;P Hehe! Pis orlie! Joke lang un :) Kasi ganito yan... Si Pau pinakeelaman ung wallet ni orlie.. ngaun... dba may lalagyanan dun ng mga pic at dun nkalagay ung pic ni orlie nung bata pa xa? E dba ang hirap tanggalin nun? So si pau.. naging desperada tanggalin ung pic ni orlie.. and guess what kung anong nasa loob?! Haha! Ung pic ni ECHO! So ung mga nakakita.. xempre iba ang iisipin! Maski nga ako na nagbigay sa knya ng pic na ung iba rn ang inisip ko eh! Kasi ba naman, sa lahat ng paglalagyan nya dun pa! E ung pic nga ng ate nya hindi dun nklgay eh. tapos malalaman mo na ung pic ni ECHO dun nakalagay.. xempre iba ang dating. :) Kasi ganito yan.. kaya may pic si orlie ni echo kasi nga ganito yan.. hehe. may ganung ang gulo? Ok. eto na. Napunta nga kasi sakinung mga id pic ni echo.. e gusto ko i-dispose. Kasi xempre.. pag nakita ni echo na naakin ung mga pic nya.. bka isumpa na ko nun. So si orlie.. being e friend of mine.. inalok ko kung gusto ba nya ng pic ni echo. so aun binigyan ko xa and since mabait naman si papa orlie.. tinanggap nya. :) So un ang dahilan kung bakit may pic xa ni papa echo. Hindi ko nga lang alam kung bakit dun nya nilagay.. gudlak n lng s knya. Pero nung friday nag-sori naman ako sa kanya kasi nga aun, dahil sakin napagbintangan xang may crush kay papa echo. haha. kadiri. ;) So aun. Sori ulet orlie! :)

GULLIVER'S TRAVELS: Nako.. ang boring 2 da highest level ng librong yan. Bakit ba kasi yan pa ang kelngn basahin namin?? Nakakatamad basahin eh.. kahit na gusto mo magbasa para matapos na aantukin ka tlga eh.. may ganung pampatulog tlga xa. hehe. parang si sir estacio. hayy nako.. npka walang sense tlga ng gulliver's. :(

FIELDTRIP: Napaka-walang kwenta ng itinerary ng fieldtrip.

1.) Mad Science Museum
2.) Gardenia/Coca Cola
3.) Toyota
4.) Monte Vista Resort


Sino ba naman ang masisiyahan jan? Sa coca cola nakapunta na ko jan at waah.. no comment. binigyan lng kami ng free coke o royal ata. sa toyota.. well, dapat may free car :) sa resort.. hay. wish ko lang payagan ako mag-swimming. pero kung hindi ok lng naman. karaoke na lang ako 4ever.

So yan lang.. hehe.. mejo tagal ko na rn d nag-update. hehe. byebye! :)




Have you been Archuletafied?Y
11:25 AM

OVERTURE

This is not a David Archuleta fansite-- though this is the site of a fangirl. Any comment you give will be appreciated, even profanities or anything synonymous to bullshit.


GOD BLESS US ALL


One Proud Arch Angel

I'm Anna Katrina Marcos Donato. You may call me 'Anna', 'Ennah' or 'Donats' for short. I finished my primary and elementary education in St. Anne De Beaupre School while I finished secondary education in Quezon City Science High School. I'm currently enrolled as a freshman in the University of Santo Tomas and I'm taking up the program Bachelor of Science in Medical Technology. I like David Cook and I love Jason Castro-- but a breathe David Archuleta. I believe he's the only person alive who's near to perfection. My favorite color is RED, but lately I've been addicted to the color YELLOW...you'll know why if you're a fellow Arch Angel =)

Contact me

Eadd & Y!M: anna_030408@yahoo.com

You're the Voice

StopGlobalWarming.org

Recommended =)
Adrielle's Multiply Armina Ayiene Calee Kate Kate's Multiply Koko Michaia Orlie's Multiply Renie's Multiply Trisha's Multiply archuletafans David-hq (Source of good quality photos ^^) When Archie became One Republic's frontman =)

memories

September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006

credits

xx
<body>